Inilahad ng OPM band na Ben&Ben na nangangarap silang makakuha ng isang Grammy Award.
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, "nag-manifest" ang grupo na matupad sana ang kanilang pangarap.
"In five years or less, mananalo tayo ng Grammy," saad ng bokalistang si Miguel Benjamin.
Sa parehong panayam, inihayag ng Ben&Ben ang plano nilang mag-explore pa sa international audience.
"We have both plans and dreams to reach international ears, and that's because we always felt like, it's two things. One is the sound and music that we make and the message that we have is something that we feel transcends nationalities. But also, we're so proud of where we come from and we want to bring that wherever we go," ani Miguel.
"I think those are two major reasons why," dagdag ni Miguel.
"I think you're gonna make it," saad naman ni Tito Boy, bilang papuri niya sa grupo.
"We'll try, we'll try our best, we'll try our hardest, that's for sure," tugon ni Miguel.
Ang Grammys ang isa sa pinaka prestihiyosong music award na maaaring ibigay sa isang musical artist. Ilan na sa mga nagwagi nito sina Taylor Swift, Beyoncé, Lady Gaga, at iba pa. -- FRJ, GMA Integrated News