Inihayag ni Mika Salamanca ang kaniyang pasasalamat sa kaibigang si Ivana Alawi na patuloy siyang tinanggap at sinuportahan sa gitna ng mga hinaharap niyang pagsubok bago sumali sa “Pinoy Big Brother” house.
Sa nakaraang episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" nitong Miyerkoles, nagkuwento ang content creator tungkol sa hirap na kaniyang pinagdaanan matapos maaresto noon sa Hawaii at makipag-break kay H2wo.
“Ang dami kong pinagdaanan, nagkaroon ako ng mga issues because I was young, I was alone, I made so many mistakes when I was a kid, when I was younger,” sabi ni Mika.
BASAHIN: Ivana Alawi, ayaw sa lalaking mayabang; mas bet maging bf ang hindi taga-showbiz
Inamin ni Mika na bumalik siya sa US para makabawi mula sa mga bashing na kaniyang natanggap noong mga panahong iyon.
“Bumalik ako ng US tas ni-figure out ko ‘yung sarili ko, sabi ko ‘katapusan ko na ba, like katapusan na ba ng career ko?’ Kasi kapag na-bash ka ganoon eh, so nag-work ako ng tatlong job just to satisfy myself, just to fill the void na nawala nu’ng na-bash ako, which is ako naman ‘yung may kasalanan,” sabi niya.
Pagbalik niya sa Pilipinas, ikinagulat niyang tinanggap pa rin siya ng maraming tao, gaya ng content creator din na si Ivana Alawi, na kasama niya ngayon sa loob ng bahay ni Kuya.
“Hinanap ko uli ‘yung sarili ko. Ni-try ko uli umuwi ng Pilipinas tas hindi ko inaasahan na tatanggapin ako ng mga tao, hanggang sa naka-meet ako ng bagong set of friends na nag-stay hanggang ngayon, Ate (Ivana), sila pa rin ‘yung friends ko hanggang ngayon,” sabi niya.
“Tas binigay ni Lord sa akin ‘yung ‘PBB,’ na sobrang-sobrang pangarap ko na pumipila ako, 15 years old ako, ‘737.’ Hindi ibinigay ni Lord, sobrang frustrated talaga ako kasi hindi ko siya ganoon kakailangan, ngayon ko siya sobrang kailangan kasi ngayon ako bumalik, ngayon ako ready. I thank God for everything na pinagdaanan ko ngayon,” pagpapatuloy niya.
Matapos ibahagi ni Mika ang kaniyang kuwento, sinabi ni Esnyr: “Nami-misunderstood po siya, may rason po pala lahat, hindi po nila alam ‘yung side ni Ate Mika.”
Ipinahayag ni Ivana kung gaano siya ka-proud sa lakas ng loob ni Mika na harapin ang bashers.
“Mahirap po ang ma-bash, masakit po ‘yun and ako na-immune na ako kasi parang ‘di ko na binabasa and napaka-strong niya (Mika) kasi ang strong niya, nakakangiti siya tapos laban pa rin siya,” sabi ni Ivana.
Napanonood ang mga bagong episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” sa GMA Network 10 p.m. Lunes hanggang Biyernes at 6:15 p.m. sa weekend. -- Josiah Antonio/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News