Ipinakita ni Jisoo ng Blackpink ang kaniyang pagmamahal sa Filipino Blinks sa kaniyang unang solo fan meet sa Manila.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, sinabing nagpayanig si Jisoo sa kanta niyang "Earthquake" bilang opening act ng kaniyang "LIGHTS, LOVE, ACTION!" fan meeting tour.

Itinanghal din ni Jisoo ang iba pa niyang kanta mula sa latest solo album na Amortage, kasama ang "Tears," "Hugs & Kisses" at "Your Love."

Nakatanggap si Jisoo ng mga flower bouquet at layered cake, bago ipinangako sa Pinoy fans na “See you soon.”

Sa kaniya namang IG story, nagpost ang K-pop idol na may caption na "mahal kita" matapos ang concert sa sa Araneta Coliseum.

Manila ang unang stop ng kaniyang tour. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News