Aminado si David Licauco na mas gusto niyang ka-date ang non-showbiz pero nahihirapan siyang makahanap.

“Kapag medyo kilala ka, they would think na, ‘Oh, baka lokohin lang ako nito,’” sabi ni David sa latest vlog post ni Toni Gonzaga.

“At saka, she will treat you differently kasi nga, ‘Marami ‘tong babae,’ sa isip nila," dagdag ng Kapuso actor.

Gayunman, sinabi rin ni David na bukas din siyang may maka-date na nasa showbiz dahil mauunawaan naman nito ang kaniyang sitwasyon.

“Nnon-showbiz talaga [ang gusto ko], but I mean, I’m not closing my doors, and baka mas maintindihan [ako] kung katrabaho [ko],” paliwanag niya.

Sa naturang panayam, inihayag din ni David ang mga katangian ng isang babae na hinahanap niya gaya ng: Someone pretty, fair-skinned, at "chinita na hindi masyadong chinita."

Gusto niya rin sa babae na "who's really nice, genuinely nice, 'yung ma-empathy."

“Someone who’s in touch with life,” dagdag niya. “Let’s say ‘yung hindi masyadong nagse-cellphone, ‘yung parang present, hindi masyadong nagso-social media.”

Panghuli, nais ni David sa babae na mamahalin at aalagaan siya, at uunawain ang kaniyang trabaho.

Sa isang ulat nitong nakaraang Enero, sinabi ni David na single siya, ilang buwan matapos namang ihayag ng aktor sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong June 2024 na "taken" na siya.

Gayunman, nananatiling pribado ang lovelife ng aktor.

Mapapanood si David sa upcoming movie na "Samahan ng mga Makasalanan," kasama sina Sanya Lopez at Liezel Lopez. — Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News