Inanunsyo na ang Ultimate 8 ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 2.0" na aabante sa Big Night sa Pebrero 28.
Bago ang anunsyo, evicted na sina Marco Masa at Carmelle Collado nitong Sabado.
Natukoy ang Ultimate 8 sa pamamagitan ng dalawang big jump challenges, kung saan nagwagi sina Lella Ford at Krystal Mejes para sa Kapamilya, at Caprice Cayetano at Ashley Sarmiento para sa Kapuso.
Wagi rin sina Miguel Vergara, Heath Jornales, Princess Aliyah, and Joaquin Arce sa apat na natitirang spot sa pamamagitan ng public voting sa huling eviction night ng season.
Narito na ang housemates na bumubuo ng Ultimate 8:
- Caprice Cayetano (Kapuso)
- Lella Ford (Kapamilya)
- Ashley Sarmiento (Kapuso)
- Krystal Mejes (Kapamilya)
- Heath Jornales (Kapuso)
- Miguel Vergara (Kapamilya)
- Princess Aliyah (Kapuso)
- Joaquin Arce (Kapamilya)
—Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

