Bago na muli ang magkaka-pares sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" na isinagawa matapos nilang gawin ang isa pang challenge.
Sa episode nitong Lunes, naging task sa mga housemate ang paglalagay ng bola sa mga tamang pahayag ng bagong mga housemate at duo na sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat.
Ang makakakuha ng pinakaigsing oras sa naturang task ang magiging ranking nila at pagbabatayan kung sino unang mabibigyan ng pagkakataon para pumili ng bago niyang kapartner sa Bahay ni Kuya.
Si Klarisse de Guzman ang nakakuha ng top spot at pinili niyang bagong kapareha si Mika Salamanca.
Si Josh Ford ang nasa second spot na pinili si River Joseph, at sumunod si Michael Sager na pinili si Emilio Daez.
Si Vince Maristela, piniling ka-tandem si Brent Manalo, si AZ Martinez ang pinili ni Bianca De Vera.
Sina Dustin Yu at Ralph de Leon naman ang bagong magka-partner, pati na sina Will Ashley at Esnyr.
Nanatili namang magkapares sina Shuvee at Xyriel na pumasok sa bahay ni Kuya sa episode nitong Linggo.
Ang bagong duos ay sina:
Klarisse de Guzman/Mika Salamanca
Josh Ford/River Joseph
Michael Sager/Emilio Daez
Vince Maristela/Brent Manalo
Bianca De Vera/AZ Martinez
Dustin Yu/Ralph De Leon
Will Ashley/Esnyr, at
Shuvee/Xyriel
Sa episode nitong Lunes, nagpakilala sina Shuvee at Xyriel sa kanilang mga kapuwa housemates sa pamamagitan ng presscon setup, at ang mga housemate ang nagbato ng mga tanong sa kanila.
Mapapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap a 10 p.m. sa weekdays at 6:15 p.m. naman sa weekends. — mula sa ulat ni Josiah Antonio/FRJ, GMA Integrated News