Inihayag ng aktor na si Ian de Leon na acute respiratory failure ang ikinamatay ng kaniyang ina na si Nora Aunor."Technically and clinically speaking, the cause of death was acute respiratory failure," sabi ni Ian sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes.Sinabi rin ni Ian na wala pa silang detalye tungkol sa state necrological services para sa kaniyang ina na hinirang na National Artist for Film and Broadcast Art noong 2022."Aside from state funeral that will be conducted on Tuesday, we've spoken kaming magkakapatid. We're asking any updates from the local government and so far, wala pa pong official kaming natatanggap from them so if we do, we'll be sure to let you know," ayon sa aktor.Nitong Huwebes, nilinaw ni Ian na hindi pumanaw ang kaniyang ina habang inooperahan."She was being operated on, and after that, she had a hard time breathing, and eventually, all things went downhill from there, and that's why they had to do another procedure after that," sabi ni Ian.Pumanaw si Nora noong Miyerkules ng gabi sa edad na 71.Nakaburol ang mga labi ni Nora sa Heritage Park sa Taguig.Mayroong public viewing sa Sabado at Linggo, Abril 19 at 20, pero mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. lamang.Batay sa naunang impormasyon, ihahatid si Nora sa huling hantungan sa Abril 22 sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig. —FRJ, GMA Integrated News