Ibinahagi ni Ian de Leon ang huling palitan nila ng mensahe ng kaniyang ina na si Nora Aunor, na pumanaw noong Miyerkules gabi habang nasa ospital.Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabi ni Ian na nag-usap sila ng kaniyang ina sa pamamagitan ng chat.“Ang pinakahuli niyang message po sa ‘kin ay sabi niya sa ‘kin, ‘Anak, pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ‘ko sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila,’” ayon kay Ian.Sinabi naman ni Ian sa ina na, “Ma, ‘wag ka namang ganiyan magsalita. Mag-a-outing pa tayo, ‘di ba? Mag-bi-birthday ka pa. Mag-ba-bonding pa tayo."Ipinabatid din ni Ian sa ina kung gaano niya ito kamahal at ng kaniyang mga apo."Lahat po kami binantayan namin siya, talagang hindi namin po siya iniwanan sa tabi niya," ayon kay Ian.Nang tanungin si Ian kung papaano niya gustong maalala ng mga tao si Nora, sabi niya, “pagiging malapit sa Diyos.”“Buong buhay po namin, hindi naging madali. Ang buhay ng tao ay hindi madali, maraming pagsubok, maraming pinagdadaanan. Hindi po iba ang aming ina. Bawat isa sa atin may mga pinagdadaanan. Minsan may konting hindi pagkakaintindihan pero sa halip ng lahat, ang importante ay bumalik loob tayo sa Diyos at matutong magpatawad,” paliwanag ni Ian.Sinabi rin ni Ian na natuto siyang magpatawad, magmahal, at magbahagi dahil sa kaniyang ina.“Sa mga taong nagmamahal sa kaniya, sana po ay tularan po natin ang aming ina. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami mapapalaki po nang ganito,” ayon sa aktor.Umaasa rin si Lotlot de Leon na maaalala ng mga tao ang kaniiyang ina sa pagiging mapagbigay at totoo nito.“As a person, a lot of people can testify on my mom’s generosity, you know? Hindi lang sa craft niya, kung hindi sa lahat ng bagay. And that’s why she’s really loved by plenty. ‘Yung pagiging genuine niya and malambing niya sa lahat, the way she helps others also, walang kwestyon ‘yon,” ayon sa aktres.Pumanaw si Nora noong Miyerkules ng gabi sa edad na 71. Ayon kay Ian, acute respiratory failure ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang ina.Nakaburol ang mga labi ni Nora sa Heritage Park sa Taguig.Mayroong public viewing sa Sabado at Linggo, Abril 19 at 20, pero mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. lamang.Batay sa naunang impormasyon, ihahatid si Nora sa huling hantungan sa Abril 22 sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig. —FRJ, GMA Integrated News