Ikinuwento nina Allen Dizon at Jeric Gonzales kung gaano kabait at mapagbigay ng namayapang aktres at National Artist na si Nora Aunor, na kapuwa nila nakatrabaho noon.“Napakabait niyang katrabaho, napaka-professional, napaka-generous," sabi ni Allen sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkoles."Alam mo 'yon, every scene, everyday na nagsu-shooting kami, everyday siyang namimigay ng pera, everyday siyang namimigay ng pagkain, lahat, so nakakatuwa, nakaka-miss,” patuloy ni Allen.Si Jeric, sinabing naramdaman niya ang pagmamahal ni Nora na ilang beses niyang makatrabaho.“Sobrang nakakalungkot kasi nanay ko po talaga siya. Tinuring niya akong anak and naramdaman ko 'yon. Bukod sa napaka-generous niyang tao, naramdaman ko talaga 'yung pagmamahal niya sa akin,” kuwento ng aktor.Tatlong pelikula ang nagawa ni Jeric na kasama si Nora, kabilang ang "Hustisya," na nakatanggap ang Superstar ng Best Actress award mula sa Cinemalaya Independent Film Festival.Samantala, nakasama naman ni Allen si Nora sa isang pelikula na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan.Pumanaw si Nora noong Abril 16 dahil sa acute respiratory failure, at inilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nitong Martes.Samantala, magkasama naman sina Jeric at Allen sa pelikulang “Fatherland,” na palabas na ngayon sa mga sinehan.“Kaya siya naging ‘Fatherland’ dahil si Iñigo [Pascual], ‘yung role niya dito, hinahanap niya 'yung tatay niya. Pero habang hinahanap niya 'yung tatay niya, nakita niya lahat, kung paano niya nakita 'yung Pilipinas, paano niya nakita 'yung Fatherland niya,” kuwento ni Allen.“The story, talaga pong ipapakita dito 'yung pagka-Pilipino natin,” dagdag ni Jeric.Kasama rin sa pelikula sina Richard Yap, Kazel Kinouchi, Yasser Marta, Abed Green, Iñigo, at maraming pang iba. Sa direksyon ito ni Joel Lamangan.—mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News