Bagaman hindi nawawala ang mga pagsubok sa buhay, nananatiling matatag at positibo ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabing nananatiling tahimik si Kyline kaugnay sa mga usap-usapan ng netizens na hiwalay na sila ni Kobe Paras matapos i-unfollow ang isa't isa sa Instagram.“As long as, you know, I know that my intentions are clear, pure, siguro hindi na din po ako magpapa... kaya hindi siguro ako naaapektuhan because I know that my intentions are pure," ayon kay Kyline.Nakatakdang bumida si Kyline sa upcoming series na “Beauty Empire,” at makakasama niya sina Barbie Forteza, Ruffa Gutierrez, Choi Bo Min, Gloria Diaz, at iba pa.Inihayag din niya na pupunta sila sa South Korea para kumuha ng ilang eksena para sa kanilang proyekto.“Napakasaya po ng taping namin sa ‘Beauty Empire’ dahil lahat kami eh nagiging close na. Well, kami kasi naman ni Barbie, close na po kami ever since, at lagi ko sinasabi sa kaniya na pangarap ko talaga siyang makatrabaho and finally! So gagalingan ko ‘to,” ani Kyline.Ang “Beauty Empire” ay collaboration series ng GMA Public Affairs, CreaZion Studios, at Viu, na tungkol sa labanan ng mga makapangyarihang babae sa beauty industry.Ipapalabas ito sa soon sa Viu, at ganoon din sa GMA Network. —FRJ, GMA Integrated News