Bagaman kinuha sa kaniyang ama ang kaniyang pangalan, inihayag ni Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo na hindi siya malapit sa kaniyang biological sad na isang Finnish-Swedish.

Napag-alaman na pinalaki si Ahtisa ng kaniyang lola at ng kaniyang ina na isang single mother.

“I think there was no anger on my end. But it was more of an indifference. Because we don't have a relationship. It's hard to be angry at someone when you don't know them,” sabi ni Ahtisa sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tungkol sa kaniyang saloobin sa kaniyang ama.

Gayunman, ibinahagi ni Ahtisa na sinubukan ng kaniyang ama na makipag-ugnayan at gumawa ng komunikasyon sa kaniya.

“He reached out to me online for a few times. But even then, it feels like a distant person. You don't even know what you guys are up to, hindi niyo alam kung ano nangyayari sa buhay. So, it's not really a relationship as I would call it,” saad ng beauty queen.

“It is what it is,” dagdag niya.

Sa isang press conference matapos makoronahan, ikinuwento ni Ahtisa kung saan kinuha ang kaniyang pangalan.

"My father's name, my biological father who's Finnish, his name is Ahti. And my mom added an 'sa' for it to be more feminine," paliwanag ni Ahtisa

Kinoronahan si Ahtisa bilang Miss Universe Philippines 2025 noong Biyernes.-- FRJ, GMA Integrated News