Naglabas ng pahayag ang grupong BINI sa social media nitong Huwebes upang humingi ng paumanhin kaugnay sa kumakalat ng video online na sangkot ang ilan nilang miyembro.
Ilang netizens na nakapanood sa video clip ang hindi natuwa sa itinuturing na sexual joke ng dalawang lalaki na nasa video rin.
Inihayag ng grupo na "triggering and disappointing" ang nagdaan nilang mga araw.
"The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process. We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability. Nagkamali kami," saad ng grupo sa pahayag.
Pinagsisihan umano ng BINI ang kanilang pagkakamali at humingi sila ng paumanhin sa kanilang fans, kaibigan, pamilya, at sa publiko.
"We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves. Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa," pahayag nila.
Ang P-pop girl group na BINI ay binubuo nina Maloi, Jhoanna, Stacey, Colet, Aiah, Mikha, Sheena, at Gwen.
Ilan sa mga sikat nilang awitin ang "Pantropiko" at "Salamin, Salamin." —FRJ, GMA Integrated News