Inilahad ni Chuckie Dreyfus na hindi siya nakaiwas noon sa mga usapin na isa siyang gay o bading. At kahit ang kaniyang naging misis, ganito rin ang unang akala sa kaniya.Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, tinanong ni Tito Boy si Chuckie kung paano nakaapekto sa kaniya noon ang mga tsismis na bading siya."Yes. Especially back in the day, 80s, 90s. Because now, it's so accepted now. I mean, it doesn't really matter," anang aktor."Noong una nagtataka ako, bakit ba? First, issue ba if you're gay or not?" pagpapatuloy ni Chuckie.Pag-alala pa niya, iniugnay noon ang kaniya umanong pagiging malamya kung kumilos kaya hindi maiwasan na ganoon ang maging pananaw sa pagkatao niya.Ngunit para sa kaniya, walang kinalaman ang pagkilos sa seksuwalidad."Of course not. Eh ganu'n ako kumilos eh," ani Chuckie.Dahil sa naturang mga tsismis, naimpluwensiyahan din ang kaniyang naging asawa na si Eileen noong hindi pa sila magkakilala."I don't know if people know this — blind date kasi kami nu'n [Eileen]. We were hooked up to date," saad niya. "And naalala ko pa ang sabi daw is, 'Oh, i-hook up kita kay Chuckie Dreyfus.'""Ang unang sinabi pa ng wife ko ngayon, 'Ayoko du'n kasi 'di ba bading 'yun?' 'Iba na lang,' gumaganu'n siya. Eh wala nang choice nu'ng time na 'yun," natatawang sabi ni Chuckie.Dahil dito, pinatunayan ni Chuckie kay Eileen na mali ang mga sabi-sabi tungkol sa kaniya."So pinakita ko sa kaniya na, 'hmm,' ayon nagkaanak kami agad," masayang kuwento ng aktor.Kasalukuyang napanonood si Chuckie sa "Slay" na first Viu Original series ng GMA Network. Pinagbibidahan din ito nina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, Mikee Quintos, at Derrick Monasterio.-- FRJ, GMA Integrated News