Bukod kay Tom Cruise, nakasalamuha rin ni Alden Richards ang iba pang cast ng "Mission Impossible - The Final Reckoning" sa red carpet premiere nito sa Seoul, South Korea nitong Huwebes.

Sa naturang premier ng pelikula, nakadaupang-palad din ni Alden sina Simon Pegg, Hayley Atwell, at Greg Tarzan Davis.

Si Alden lamang ang natatanging Pilipino na dumalo sa high profile na red carpet event, at nagkaroon sila ng pagkakataong mapanood ang kaabang-abang na Hollywood film kasama ang cast sa attendance.

Sa kaniyang social media, ibinahagi ni Alden ang video nang magkita sila ni Tom Cruise. "I have no words," caption niya.

Mapapanood ang "Mission: Impossible - The Final Reckoning" sa mga sinehan sa Mayo 17. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News