Nakatakbo at nanalong mayor ng Pagsanjan, Laguna ang aktor at dating governor ng lalawiga na si ER Ejercito. Sa kabila iyan ng guilty verdict ng Sandiganbayan na kinatigan ng isang dibisyon ng Korte Suprema (SC) kaugnay sa kasong graft, na kasama sa parusa ang perpetual disqualification sa anumang puwesto sa gobyerno.Sa ulat ni Ian Cruz sa GMA News nitong Biyernes, sinabing idineklara na ang pagkapanalo ni ER sa katatapos lang na Eleksyon 2025 kahit hinatulan siyang guilty ng anti-graft court na kinatigan ng First Division ng SC.BASAHIN: Mas kaunti ang kandidatong celebrities na nanalo ngayong Eleksyon 2025 kumpara noong 2022Ang kaso ay nangyari noong alkalde pa siya ng Pagsanjan noong 2008 dahil umano sa illegal contract sa insurance claims ng mga bangkero at turista sa Pagsanjan rapids.Sa desisyon ng First Division ng SC, sinentensiyahan si ER ng pagkakabilanggo ng mula anim hanggang walong taon, at perpetual disqualification o hindi na puwedeng humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.Ngunit giit ng actor-turned-politician, hindi pa naman tapos ang kaso kaya maaari pa siyang kumandidato, at wala siyang kasalanan sa kaso.“Huwag po tayong maging bobo at tanga at mangmang sa batas. May procedure po 'yan. Kung natalo man ako sa first division ng Supreme Court, meron pa pong motion for reconsideration po 'yan. Pagkatapos ng MR, meron pa pong en banc 'yan [sa SC],” paliwanag niya.Inihayag naman ni Comission on Elections (Comelec) chairman George Garcia na hindi pa final and executory ang kinakaharap na kaso ni ER, dahil maaari pa siyang maghain ng motion for reconsideration. — FRJ, GMA Integrated NewsFor more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.