Inilahad ni Charlie Fleming na naging mas thankful siya sa mga natatanggap na proyekto matapos maging isang ex-housemate sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”“What I really discovered sa sarili ko is that mas naging thankful ako sa mga ginagawa kong work. Mas naging thankful ako na artista ko. It's like a passion of mine,” sabi ni Charlie sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.Pagkalabas ng duo na ChaKira nina Charlie at Kira Balinger sa Bahay ni Kuya noong Abril, food trip agad ang kaniyang unang order of business.“Nalaman ko na may issue pala ako sa chicken. Parang kumain ako ng chicken. Bumawi na ako sa sarili. It was fried chicken din po. I miss the fried chicken, ‘yung mga may sauce. Oh my God, I love it,” kuwento ng Sparkle artist.“‘Yung pagkain parang paulit-ulit na rin eh,” kuwento ni Charlie tungkol sa karanasan niya sa loob ng Bahay ni Kuya.Mas napamahal pa kay Charlie ang kaniyang trabaho, lalo't eye-opener ang kaniyang unang proyekto matapos ang PBB Celebrity Collab Edition.Bibida si Charlie kasama ang beteranang aktres na si Tina Paner sa episode ng “Regal Studio Presents: Stage Mom.”Ayon kay Charlie, tila destiny na dinala siya at nainlove sa comedy.“Actually, Sir Nelson, I was waiting for a comedy type of episode. Kasi whenever I audition for different shows, sobrang ano din kasi ako, humihirit din po kasi ako kahit may director. Kaya sinasabi nila always na someday I should try for comedy or they wanna get me for a comedy sometime. And I was so happy that I finally got that chance sa Regal po,” sabi niya. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News