Matapos na lumabas sa "Bahay ni Kuya" sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” inihayag ni Josh Ford ang kaniyang pangarap na makagawa ng romantic comedy movie.
Sa panayam ng GMA News Online, tinukoy ni Josh ang gusto niyang maging leading lady na kapuwa niya "PBB" ex-housemate na si Kira Balinger.
“Dream project ko talaga is I really wanna have a leading man movie. And siyempre, parang rom-com vibe. That's one of my big dreams,” saad ni Josh.
"Sa leading lady? I'd love to, siguro si, yeah, probably Kira,” dagdag niya.
Nang tanungin si Josh kung may kanta siya na idi-dedicate kay Kira, ito ay “Everything Has Changed” ni Taylor Swift.
“Because I feel like, of course, when I went in, I was a different person. Tapos ngayon, paglabas ko, iba na rin. So, syempre, everything has changed. In a good way,” ani Josh.
“Kaya I'm happy na, you know, I got to know beautiful people inside. Nice. Yeah. So sa tingin ko ‘bagay 'yung lyrics doon. May lyrics doon na parang very, very bagay sa amin,” sabi pa ng binata.
Naging malapit sina Josh at Kira habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, at naging unang magkatambal sa PBB.
Natanggal si Josh mula sa "PBB" noong May 10, kasama ang katambal niyang si Ralph De Leon, na bumalik sa Bahay ni Kuya bilang wildcard.
Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network tuwing weekdays sa ganap na 10 p.m. at sa weekends tuwing 6:15 p.m. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News