Ligtas sina AZ Martinez at Esnyr sa susunod na nominasyon sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" matapos silang manalo sa ikalawang Big Intensity Challenge.
Maliban sa immunity, maaari ding pumili sina AZ at Esnyr ng kanilang final duo.
Bukod kina AZ ay Esnyr, nauna nang nakakuha ng immunity sina Ralph De Leon at Shuvee Etrata nang manalo sila sa unang Big Intensity Challenge.
Sa episode nitong Linggo, sumalang ang mga housemate sa challenge na kailangang paputukin ang kani-kanilang lobo. Ang matitirang housemate na may lobo ang mananalo ng immunity.
Matapos ang naturang challenge, 10 housemates ang awtomatikong sasalang sa nominasyon, at dalawa sa kanila ang mapapalabas ng Bahay ni Kuya.
Kailangang bumoto ang viewers sa bawat housemates na gusto nilang sagipin mula sa eviction.
Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa weekdays sa ganap na 10 p.m. at weekends sa ganap na 6:15 p.m. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News

