Ang bagong Sang'gre sa "Encantadia Chronicles" na si Bianca Umali ang bagong celebrity house guest sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode ng programa nitong Linggo, isang maigsing teaser ng Kapuso Prime Gem na nakasuot ng gold raincoat ang sinalubong ng mga host na sina Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez.

"Isa sa mga makapangyarihang Sang'gre na ating aabangan, Bianca Umali!" pagbati ni Gabbi.

Bago si Bianca, ang mga dating naging bisita sa Bahay ni Kuya ay sina David Licauco, Donny Pangilinan, BINI Jhoanna at Stacey, Michelle Dee, Gabbi Garcia, Ivana Alawi, Mavy Legaspi, at Kim Ji Soo. Gayundin sina Sanya Lopez, Kim Chiu, Paulo Avelino, Dingdong Dantes, at Charo Santos.

Bago ihayag ang pagbisita ni Bianca, 10 sa natitirang 14 housemates ang nominado for eviction, at dalawa sa kanila ang mapapaalis sa Bahay ni Kuya sa susunod na linggo.

Ligtas sa nominasyon sina AZ Martinez, Esnyr, Ralph De Leon at Shuvee Etrata, matapos nilang manalo sa dalawang magkahiwalay na Big Intensity Challenges.

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa weekdays sa ganap na 10: 05 p.m. at sa weekends sa ganap na 6:15 p.m. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News