Ipinasulyap nina Mark Herras at Nicole Donesa ang kanilang bagong silang na baby girl.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Mark ang isang larawan ng kaniyang sarili na karga-karga ang baby girl nila ni Nicole, na isinilang noong Hunyo 25.

“M i J A,” maikling caption ni Mark, na tila ilang detalye tungkol sa kanilang baby.

Kasabay nito, binati si Mark ng kanilang mga kaibigan sa showbiz, gaya nina Kimpoy Feliciano, Joross Gamboa, Patrick Garcia, at Rodjun Cruz.

Ikinasal sina Mark at Nicole noong Hunyo 2020 at isinilang ang anak na si Corky noong Enero 2021.

Nagpakasal sila noong Setyembre ng parehong taon.

Inanunsyo ng mag-asawa na inaasahan nila ang kanilang pangalawang anak noong Disyembre ng nakaraang taon.

Inanunsyo naman nila na may baby girl na sila noong Pebrero. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News