Inihayag nina Diana Mackey at Kiefer Ravena na nawala ang kanila sanang first baby dulot ng miscarriage. 

Ibinahagi ito ng mag-asawa nang maging bisita sila sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes. Dito, tinanong ni Tito Boy kung ano talaga ang nangyari.

"Shortly after announcing it [pregnancy], I think a week after announcing it or two weeks, we lost the baby, unfortunately, at seven weeks," ani Diana. 

Sa kabila ng pangyayari, sinabi ni Kiefer na ang mahalaga sa ngayon ay nasa mabuting kalusugan si Diana. 

"But you know God's plan, God's timing, best thing siguro that happened is now she's healthy. Hopefully, with God's grace, we could try again and see where it takes us," ayon kay Kiefer. 

Noong nakaraang Marso nang ianunsyo nina Kiefer at Diana sa social media na magkakaroon na sila ng kanilang first baby. 

Naging engaged ang mag-asawa noong nakaraang Oktubre, at nagpakasal sa unang bahagi nitong Hunyo. —FRJ, GMA Integrated News