Haharap ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" Big Four sa kanilang pinakahuling challenge kapalit ng One Million Votes, ilang araw bago ang Big Night.
Sa unang bahagi ng hamon, kailangang tumawid ng housemates sa isang seesaw para iabot ang 10 na bola sa kanilang ka-duo, na siya namang maglalagay ng mga bola sa loob ng Big Brother Eye.
Mananalo sila ng tiyak na bilang ng mga boto batay sa kanilang ranking:
1st place - 200,000
2nd place - 100,000
3rd place - 60,000
4th place - 40,000
Ang ikalawang bahagi ng hamon ay magbibigay sa mga duo ng pagkakataong manalo ng karagdagan na kabuuang 600,000 na boto.
Sa nakaraang episode, bumisita si Tito Boy Abunda sa bahay ni Kuya at isinalang ang housemates sa hot seat. Hinamon sila na harapin ang mga negatibong komento ng netizens tungkol sa kanila.
Gaganapin ang The Big Night sa New Frontier Theater sa Quezon City sa Hulyo 5.
Napanonood ang mga bagong episode ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network Lunes hanggang Sabado ng 9:35 p.m. —Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

