Sinorpresa ni Jessy Mendiola ang Madlang Pipol sa kaniyang pagbabalik sa “It's Showtime.” Ang mga host, hindi maiwasang mapansin ang kaniyang kumikinang na kagandahan.

“Grabe noong lumabas si Jessie, parang tatlong beses akong nag-beach! Umitim ako sa kaniya! Sobrang puti!” komento ni Vhong Navarro sa episode nitong Miyerkoles.

Biro naman ni Vice Ganda nang lumabas si Jessy, lumubog ang umano ang araw dahil sa kaputian ng aktres.

“Na-miss ko kayo! Grabe, ang tagal ko nang hindi nag-‘It’s Showtime.’ Kaya parang launching ko ulit. Baguhan,” tugon ni Jessy.

Muling biniro ni Vice si Jessy, na tila blooming at nagniningning sa studio.

“‘Yung dating mo parang baguhan. Parang hindi ka pa namin kilala, ‘yung nagimbal pa kami,” sabi ng Unkabogable Star.

Nagsilbing judge si Jessy ng mga contestant sa segment na “Breaking Muse.”

“Ako ay naniniwala na nasa panloob ang tunay na kagandahan. Aanhin mo ang ganda kung masama ang ugali mo,” sabi ni Jessie.

Sa naturang segment, dalawang muse ang magpapatalbugan ng kanilang ganda at galing kasama ang kanilang mga ka-barangay.—FRJ, GMA Integrated News