Inihayag ni Ryza Cenon na matagal nang naayos ang naging isyu sa kanila noon Jennylyn Mercado. Katunayan, may pag-uusap umano na mag-guest siya sa action-drama series na "Sanggang-Dikit FR" na pinagbibidahan nina Jennylyn at Dennis Trillo.

Sa nakaraang isang ng “Fast Talk with Boy Abunda,” kinumusta ni King of Talk si Ryza tungkol sa naging isyu sa kanila ni Jennylyn na mainit na pinag-usapan noon.  

Ayon kay Ryza na nagkasundo na sila ni Jennylyn at nakapag-move on na sila sa kanilang hidwaan noon.

"Tinatawanan na lang po 'yun eh. Wala na po 'yun, tapos na po 'yung mga ganu'n," sabi ni Ryza. “May pamilya na po kami. May mga anak na po kami. Tinatawanan na lang namin 'yon."

Katunayan, sinabi ni Ryza na mag pag-uusap na mag-guest siya sa Kapuso series na “Sanggang-Dikit FR, sa bida si Jennylyn at mister nitong si Dennis Trillo.

Hangad naman ni Tito Boy na matuloy sana ang guesting ni Ryza sa show nina Jen.

Matatandaang umalis si Ryza sa GMA Network noong 2018 matapos gumanap bilang si Georgia sa hit Kapuso series na "Ika-6 na Utos" ng dalawang taon.

Samantala, napanonood naman ang "Sanggang-Dikit FR" mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Kasama rin sa cast sina Juancho Triviño, Kim Ji Soo, Chanty Videla, Sam Pinto, "Lumpia Queen" na si Abi Marquez, at marami pang iba. – FRJ, GMA Integrated News