Inilahad ni Lianne Valentin ang kaniyang paghanga sa kaniyang nobyo na si Yancy Amante, na nasa mundo ng pulitika. Napag-uusapan na kaya nila ang kasal?

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ni Lianne na unti-unti na siyang namumulat sa mundo ng pulitika dahil sa kaniyang nobyo.

"Na-appreciate ko compared before. [Dati] hindi ko naiintindihan. Ngayon, na-e-educate ako how it works," panimula niya.

"Ang dami kong tanong. Sabi ko, 'Bakit ganito? Bakit ganiyan? Paano ba ito?' And super patient niya sa akin when it comes to explaining about it," saad ng aktres.

Inihayag ng Sparkle actress ang kaniyang nagustuhan tungkol sa kaniyang boyfriend.

"He's so kind and generous. Hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng tao. Every time may makahalubilo siya, makikita ko lang kung gaano ka-genuine 'yung interaction and how he loves, you know, serving people," sabi niya.

Ayon kay Lianne, bukas silang mapag-usapan ni Yancy ang tungkol sa kasal.

"There's a few times na na-open up namin sa isa't isa, Tito Boy. Kasi, I mean, we're clear na we're in a relationship and our end goal sana is marriage. I mean, we pray for that everyday na sana siya na talaga or kami na talaga 'yung right person for each other. So I think it's normal for us to talk about it. And every time we talk about it, alam mo 'yun, walang awkwardness. We just, you know, sinasabi lang namin na, this is what I want in a marriage. I mean, 'It's so nice kung ikaw na,'" sabi ni Lianne.

Napanonood si Lianne sa series na "Akusada," na pinagbibidahan din nina Andrea Torres at Benjamin Alves, ng 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime. – FRJ, GMA Integrated News