Taong 2017 nang magpahinga sa musika at nanirahan sa Spain si Kitchie Nadal kasama ang kanilang Spanish husband na si Carlos Lopez.
Sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Lunes, inilahad ni Kitchie na pag-ibig at pagbuo ng pamilya ang dahilan ng paglipat niya sa Madrid.
“Love. Of course, love. I married a Spanish guy, nagkakilala kami during Yolanda. We are both volunteers. And then ‘yon, ang bilis na-develop,” saad ng OPM singer.
“He decided to stay and then we got to know each other more. And we got married. We had a baby. When we had a baby, we decided to move to Spain,” patuloy niya.
Nang tanungin kung kumusta ang naging buhay niya sa Madrid, sinabi ni Kitchie na naging masaya siya at naituon niya ang kaniyang atensyon sa pamilya.
“Kasi iba ang lifestyle doon eh. I was able to focus [on] my family, hands-on with the kids like everyone. Ang dami kong natutunan doon. House chores, lahat, multi-tasking. Talagang ano, I really love how I was able to focus on them,” pagbahagi ng mang-aawit.
Kapag na-missed niya ang pagtatanghal, sinabi ni Kitchie na nagsasagawa siya ng intimate gigs para sa Filipino communities.
"Siyempre mas maliit siya but I really find it, for me fun nga siya kasi parang ang intimate and then parang feeling ko ang meaningful ng dating kasi parang you get to unite the Filipinos there," kuwento niya.
Nang gumawa siya ng Spanish version ng kaniyang hit single na “Huwag na Huwag Mong Sasabihin,” o “No Me Digas,” noong 2020, sinabi ni Kitchie na tinulungan siya ni Carlos sa maisalin ang liriko nito sa Spanish.
Nang tanungin naman siya kung may posibilidad ba na bumalik siya at muling manirahan sa Pilipinas, ayon kay Kitchie, “Anything is possible. We're open to anything.
Nitong nakaraang buwan, nagtanghal si Kitchie sa Smart Araneta Coliseum. Ilan pa sa mga naging hit songs niya ang “Same Ground,” “Bulong ,” “Makulay na Buhay,” at marami pang iba. -- Mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News
