Naging emosyonal sina Shaira Diaz at EA Guzman sa kanilang pagpapalitan ng wedding vows sa kanilang kasal na ginanap sa Silang, Cavite nitong Huwebes.

Sa kaniyang panata, binalikan ni EA ang kanilang 12-taon nilang relasyon ni Shaira, na may kasamang saya, mga pagsubok, at paglago bilang magkasintahan.

"Twelve years ago, I met the woman who would change my life forever. Since then, every day, every month, every year has been a beautiful chapter in the story God has written for us," panimula ni EA.

"We laughed until our hearts hurt. We have cried through challenges. And we have grown into the people we are today, together," dagdag pa ni EA.

Hinangaan ni EA ang desisyon nila ni Shaira na ‘magtimpi,’ at sinabing ang pag-ibig ay nakabatay sa disiplina, paggalang, at pangako.

"Baba [Shaira], we chose a path not everyone would understand. To wait. To honor God. And to honor each other by practicing purity. It wasn't always easy. But it was worth every moment. Because through the waiting, I learned that love is not just about desire, but about discipline, respect, and commitment," ani EA.

"And now, I have to say that every second of patience brought me to the most beautiful reward. And that's you," dagdag pa ni EA.

Inihayag ni EA na si Shaira ang kaniyang greatest gift, at nangakong mamahalin ang asawa nang walang kondisyon, ipagdiriwang ang kaniyang mga tagumpay, susuportahan siya sa mga paghihirap, at mananatiling tapat habang buhay.

"Today, before God, our families, and everyone we love, I vow to love you without condition, to cherish you without measure, and to remain faithful to you for the rest of my life. This is what I always say. I will celebrate your victories as if they were my own," sabi ni EA.

"And I will hold you through your lowest times. I promise to honor the years we shared and make the years ahead even better. Shaira Dela Cruz, you are my greatest gift," sabi pa ng actor.

Sa pagtatapos ng kaniyang vow, sinabi ni EA na si Shaira ang kaniyang "forever home" at "only one" ng buo niyang buhay.

"God knows how much I love you. I will always be here. I miss you every day. I love you for the rest of my life. I love you so much," pagtatapos ni EA.

Nagbalik-tanaw din si Shaira sa12-taong relasyon nila ni EA at inalala ang pagmamahal, pasensiya, at suporta na patuloy na ipinakita ng nobyo.

"From this day forward, you'll never have to wait again. My love, we made it, we're finally here," panimula ni Shaira.

"Standing in front of you today, I can't help but think about all the moments that led us to this one. The laughter, the challenges, the countless ways you've shown me love. I still remember our little gold smile," dagdag ni Shaira.

Masaya pang inalala ni Kapuso Morning Sunshine ang kanilang mga kabataan, kung saan binibigyan siya ni EA ng mga bulaklak o pagkain na may simpleng note na may nakasulat na "Smile," bilang paalala na gusto ng binata na lagi siyang nakikitang masaya anuman ang nangyayari.

"At sa 12 years natin, hindi nagbago ‘yun. You always make sure na okay ako. Doon pa lang alam ko na, alam ko na hindi ako mapapagod. Hindi ako mapapagod kasi karamay kita at kasama kita. At alam ko na hindi mo ako pababayaan. At diyan kita minahal," sabi ni Sharia.

Inilarawan ni Shaira si EA bilang kaniyang safe place – ngunit higit sa ginhawa na ibinigay nito, binigyan din ng binata si Shaira ng marami pang dahilan para mahalin niya ito sa pamamagitan ng higit na paggalang sa kaniya.

"You love me. You love my family. You love me patiently. You accepted me. You let me grow. You embraced my whole family. You kept the promise you made to my parents," ani Shaira.

Nagpasalamat din siya kay EA sa paghihintay nito sa loob ng 12 taon, na ipinahayag kung gaano niya ipinagmamalaki at walang hanggang ipinagpapasalamat na tinupad nila ang kanilang pangako sa Panginoon.

Ipinangako ni Shaira na may pag-ibig at katiyakan, mananatili itong nasa tabi ni EA, hindi na niya hahayaang maghintay itong muli, at gugulin ang kaniyang buhay sa pagpapahalaga kay EA bilang asawa, matalik na kaibigan, at greatest blessing. 

"I promise, from this day forward, you'll never have to wait again. I love you. I will stand beside you. You'll always be my greatest blessing, my husband, my best friend, and I'll spend the rest of my life loving you," ani Shaira.

Huwebes ng umaga nang ipasilip din ng "Unang Hirit" host sa programa ang kaniyang paghahanda para sa kaniyang kasal, na sinabing nakatulog siya ng 2 a.m. dahil natapos siyang magsulat ng kaniyang wedding vows.

Engaged na sina Shaira at EA mula pa noong 2021, ngunit inanunsyo lamang nila ito noong 2024. Nauna nang ibinahagi ni Shaira na gusto niyang pakasalan si EA pagkatapos niyang makumpleto ang kaniyang degree sa kolehiyo, isang goal na nakamit niya noong Agosto ng taong iyon.

Nangako rin ang mag-asawa na mangingilin sa pagtatalik bago ang kasal, na inamin ni EA na mahirap ito noong una.

Sa wedding vow, natatawang sinabi ni Shaira sa kaniyang mister na, "Magiging masaya ka na mamaya."

Ipinagdiwang nila ang kanilang ika-12 anibersaryo noong Pebrero, ang kanilang huli nilang pagdiriwang bilang magkasintahan. -- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News