Pumanaw na sa edad na 78 ang batikang direktor na si Mike De Leon. Kabilang sa mga pinag-usapan niyang pelikula ang “Kisapmata.”

Sa Facebook post nitong Huwebes, inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na, "joins the entire film industry in mourning the passing of visionary filmmmaker Mike De Leon."

"Mike De Leon shone a light on the beauty and pain of the downtrodden and repressed, bringing their stories to the cultural forefront," dagdag nito.

Kasama sa post ng FDCP ang maigsing mensahe ng kanilang presidente na si direk Jose Javier Reyes tungkol kay direk Mike na nagsasaad na, "[His] life was dedicated to film. His consistent imagination to explore the language of cinema shaped what we understand of Philippine filmmaking today."

Ilan sa mga ginawang pelikula ni direk Mike ang "Kisapmata," "Batch '81," at "Sister Stella L," at marami pang iba.

Umani ng maraming pagkilala ang "Kisapmata" na pinagbidahan nina Charo Santos-Concio, na base sa obra ng National Artist na si Nick Joaquin na, "The House on Zapote Street."

Nagsagawa rin ng stage play ng Kisapmata ngayong taon.

Ilan sa mga pelikula ni direk Mike ang "Itim," "Kung Mangarap Ka't Magising," at ang "Bayaning Third World," na kaniyang ginawa bago siya magretiro. Pagkaraan ng halos dalawang dekada, muli siyang nagdirek noong 2018 na “Citizen Jake” na kaniyang naging huling proyekto bilang direktor. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News