Natagpuan na kaya ni Max Collins ang kaniyang bagong pag-ibig ilang taon matapos silang maghiwalay ng dati niyang mister na si Pancho Magno?

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang IG post ni Max na may ka-holding hands noong magdiwang ng kaniyang kaarawan sa El Nido, Palawan.

Komento ng netizens, tila soft launch na ito ni Max sa kaniyang bagong partner.

Maliban kay mystery guy, kasama rin sa pagdiriwang ang kaniyang mga kaibigan.

Mapanonood si Max sa upcoming Kapuso series na “Master Cutter.”
 

 

Taong 2017 nang ikasal sina Max at Pancho, at taong 2020 naman nang isilang ang kanilang anak na si Skye.

Pero sa unang kaarawan ni Skye, napansin ng netizens na magkahiwalay nila itong ipinagdiwang kaya nagkaroon ng espekulasyon na may problema ang pagsasama ng mag-asawa.

Taong 2023 lang kinumpirma ni Max na hiwalay na sila ni Pancho, at noong 2024 ay naaprubahan na ang kanilang diborsiyo, o pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News