Inihayag ni Katrina Halili na memorable sa kaniya ang makatrabaho si Camille Prats, na napanood niya rin noon bilang si “Princess Sarah.”
“Memorable sa akin is ‘yung nakatrabaho ko si ‘Princess Sarah,’ si Camille Prats. Dati pinanonood ko lang, sobrang cute, cute na bata, tapos ang galing. Noong nakatrabaho ko [na] siya, grabe sobra akong humanga. Ang galing talaga,” sabi ni Katrina sa Kapuso Showbiz News.
“Blessed ako na nakatrabaho ko si Camille Prats and nakilala ko siya. Parang naging magkapatid pa kami,” ayon pa kay Katrina.
Matatandaang nagkasama sina Katrina at Camille, at si Shayne Sava, sa katatapos lang na Kapuso afternoon series na “Mommy Dearest,” na na-extend pa hanggang noong Hulyo.
Samantala, nagpasalamat din si Katrina sa netizens sa mainit na pagtanggap sa anak niyang si Katie.
"Sobrang happy ako na marami kaming nai-inspire ni Katie, maraming natutuwa sa amin, specially kay Katie. Actually kapag nasa labas ako siya na yung hinahanap,” sabi ni Katrina. – FRJ GMA Integrated News
