Inihayag ni Jay Arcilla kung sino ang kaniyang mga naging crush noong StarStruck 6. Kabilang sa binanggit ng aktor si Arra San Agustin.
“Crush lang. Kasi that time mga bata pa po kami, 19, 20s,” sabi ni Jay sa guesting nila ng kaniyang kapwa StarStruck 6 alumnus na sina Dave Bornea at Nikki Co sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
“Isa na roon ‘yung ka-loveteam ko, si Ms. Arra San Agustin,” pag-amin pa niya.
Gayunman, hindi niya raw niligawan si Arra.
May isa pang crush si Jay na Sparkle star na kasabayan niya rin sa StarStruck.
“Hindi ko kasi alam kung ligaw ba talaga iyon. Nagka-crush lang din siguro kay Liezel Lopez,” sabi pa ni Jay.
At kung bakit hindi sigurado si Jay kung nanligaw siya noon kay Liezel, paliwanag ng aktor kay Tito Boy, “Hindi po pormal.”
Ibinahagi ni Jay ang kaniyang pananaw tungkol sa pag-ibig.
“Mahirap siya makita eh, 'yung true love, 'yung real love. So meron mga dumating sa akin sa buhay ko for the past 10 years na naging ka-relationship. Mahirap talaga 'yung real love na mag-stay,” paliwanag niya.
Ngunit ngayon, nasa isang long-distance relationship daw siya.
“'Yung na-experience ko now. Like LDR kami. So mahirap 'yung distance. And 'yung way lang na may express namin 'yung love is through the video call,” paglalahad niya.
Pinananatili naman ni Jay ang kaniyang pagiging loyal sa kaniyang nobya.
“Hindi ako lumalabas sa bahay talaga. Like, ‘di na ako nag- go to parties. Kasi ayoko rin mag-isip siya. Kasi sometimes doon ka pwede mag-cheat eh.”
Si Dave naman, ibinahagi ang kahulugan ng pag-ibig na, “love is kind.”
“Totoo pala 'yung nasa Bible na ‘love is kind, love is not envious, love is patient.’ And dadagdagan ko lang. Love is a choice din pala. Kasi simula talaga ng relationship doon 'yung mga kilig, butterfly. Pero ‘pag tumagal na siya, doon na 'yung parang medyo humihina 'yung spark,” sabi ni Dave.
Dagdag niya, “Parang with all the elements of kindness, patience, understanding, choice, doon huhubog 'yung ulit 'yung love na meron kami, like for my current relationship right now. So ‘yun, everyday is a choice talaga.”
Sang-ayon dito si Nikki.
“I second 'yung kay Dave na about the Bible because love should be Christ-like love. And love should be faithful, loyal, respectful, and sacrificial. Dapat willing ka or taos puso mong ginagawa or i-service 'yung mga needs and wants nung mahal mo sa buhay.”
“There should be communication involved. Kasi kailangan mong maparating 'yung gusto mo and 'yung pagmamahal mo sa tao,” dagdag niya. – FRJ GMA Integrated News
