Nagbahagi ang bagong kasal na sina Shaira Diaz at EA Guzman ng masaya nilang honeymoon trip sa Switzerland.

Sa Instagram, ibinahagi ni Shaira ang mga larawan ng biyahe nila papuntang Switzerland sakay ng eroplano. Pati na rin ang hapunang kanilang pinagsaluhan pagdating doon.

Mayroon din silang dessert na may nakasulat na “Congratulations.”

“Hello from the honeymooners!” saad ni Shaira sa caption.

Sa isang panayam noon sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ng bagong kasal na pinili nila ang Switzerland bilang honeymoon destination matapos nilang paulit-ulit na makita ang napakagandang tanawin sa naturang bansa.

 

 

Ikinasal sina Shaira at EA got noong August 14, matapos ang 12 taon ng pagiging magkasintahan.

Napag-alaman na 2021 pa naging engaged sina Shaira at EA, pero isinapubliko lang nito ito noong 2024.

Nauna nang ibinahagi ni Shaira na gusto niyang pakasalan si EA kapag nakapagtapos na siya ng kolehiyo, na nagawa naman niya noong Agosto 2024. —FRJ GMA Integrated News