Hindi na mabilang ang ginawang pelikula at TV series sa loob ng halos 50 taon ng aktor na si Rez Cortez. Hindi ba siya nagtatampo sa industriya dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na acting award?

Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Miyerkoes, sinabi ni Rez na wala siyang tampo at nauunawaan niya ang takbo sa industriya.  

"Hindi ako nagtatampo. Kasi naiintindihan ko kung paano mag-work ang award-giving bodies. Siguro marami akong nominations pero hindi ako nananalo kasi mas magaling 'yung kalaban ko in that particular time," paliwanag ni Rez.

"Although masarap maraming awards," dagdag niya.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Rez ang "Insiang," "Maging Sino Ka Man," "Mistah," at "Kristo." Nakasama naman siya sa ilang TV series gaya ng "Ika-6 na Utos."

Ayon kay Rez, ang “Insiang” na idinerek ni Lino Brocka ang hindi niya makakalimutan dahil ito ang unang pelikula na nakapasok sa Cannes film festival. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News