Inilahad ni Julie Anne San Jose na madalas pa rin siyang tinatanong kung kailan ang kasal nila ng nobyong si Rayver Cruz. Ngunit ang Asia’s Limitless Star, may makabuluhang sagot tungkol dito.
“Most of the time, Tito Boy, ganiyan pa rin ang tinatanong sa akin,” sabi ni Julie sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
Para kay Julie, ipinauubaya na niya sa Maykapal kung ang mangyayari sa hinaharap.
“Ako right now, Tito Boy, I'm... Nasa point kasi ako na ngayon na I'm just letting God control it. It is the best way, Tito Boy. Kasi hindi ako umaasa sa kung ano 'yung gusto ko, [kundi] kung ano 'yung gusto Niya, kung ano 'yung gusto ni Lord, kung ano 'yung will ni Lord, kung papaano, kailan, mangyayari ang mga bagay-bagay,” sabi niya.
“I'm just letting things be and letting God handle everything,” dagdag ni Julie.
Binalikan ni Julie ang panahon na dumaan sa “butas ng karayom” si Rayver para lamang makuha nito ang loob ng kaniyang mga magulang.
“I think kasi, 'yung parents ko kasi, they're very reserved. They're the best people in the world for me. They know what's best for me. Siyempre, may mga times din naman na hindi naman talagang maiwasan, na may parang, ‘O, hindi.’ Tapos parang ayaw nila, or gusto ko, or like ayaw ko, pero gusto nila. There are times na nag-gano’n pa din. I mean, it's a normal dynamic pagdating sa parent and anak,” paliwanag niya.
Ngayon, aprubado na rin sa kaniyang mga magulang si Rayver para sa kaniya.
“They're very okay with Ray,” saad niya.
Inalala ni Julie ang payo sa kaniya ng mga magulang pagdating sa paglagay sa tahimik.
“Gusto nila na maging okay lahat, happy, and importante kasi, Tito Boy, talagang na maging centered lagi si Lord sa relationship ninyo. And open communication is always the key. And kami naman ni Ray, talagang as much as possible, talagang open book kami sa isa't isa. Wala kaming tinatago. Kapag may problema, pinag-uusapan namin agad,” saad niya.
Inilarawan ni Julie na “very, very happy” at “content and secure” ang relasyon nila ni Rayver. – FRJ GMA Integrated News
Julie Anne San Jose tungkol sa kasal: ‘I'm just letting God control it’
Setyembre 5, 2025 11:04pm GMT+08:00
