Nagkuwento si Felson Palad na maraming nag-search sa kaniya sa Google matapos siyang bansagang “the virgin husband” ng asawang si Donita Rose.
“[The virgin husband, but] not innocent,” biro ni Felson sa guesting nila ni Donita sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.
Matatandaang nag-guest na rin noon si Donita sa programa kung saan inilahad niyang nanatiling virgin si Felson bago ang kanilang kasal.
“Tinawagan ko siya agad. Sabi ko, ‘Uy, parang dehado ako du’n ah. Kasi nakita ko… ‘yung sa Google, I was the number one search that day, ‘The virgin husband,’” kuwento ni Felson.
“But you know what, it worked,” pagpapatuloy ni Felson.
Ayon kay Donita, may ilang haka-haka ang iba tungkol sa mga lalaking nananatiling birhen kung nasa edad 30 na sila pataas.
“Apparently kasi sa mga lalaki, parang questionable kung bakit virgin ka at the age of 37. It's either one or the other. It's either babaero ka or you're gay,” sabi ni Donita.
“Yes,” pagkumpirma ni Felson na totoong birhen pa siya bago sila magpakasal ni Donita.
Ayon kay Felson, kailangan niyang panindigan ang kaniyang mga paniniwala bilang isang pastor sa mga kabataan.
“Kasi I was a youth and worship pastor in a church before. And I speak and I talk to, you know, youth. I have to walk the talk. But then again, I said, hindi naman din ako inosente. Of course, I, you know, I had my fair share of rebelliousness. But I did not come to a point that, you know, to give myself away,” paliwanag niya.
Inalala ni Tito Boy ang kuwento nina EA Guzman at Shira Diaz, na 12 taong naging magkarelasyon na nagkasundo na hindi nila gagawin ang ginagawa ng mag-asawa hangga’t hindi sila kasal.
“Gosh, wow! Sa amin six months. Atat na atat na kami. Sorry,” natatawang sabi ni Donita.
“Nabuking tayo!” biro ni Felson.
Ayon kay Donita, may biro pa raw sa kaniya si Felson matapos nilang makuha ang kanilang mga papeles sa huwes.
“Nagpunta kami ng huwes to get the papers, because you have to have the papers first before the church wedding. Tapos sabi niya sa akin, ‘So kasal na tayo so puwede na?’ Sabi ko, ‘Oops, hindi pa. Wait for the church wedding,’” ani Donita.
Biro naman ni Felson, “I waited 37 years.”
Na-engaged sina Donita at Felson noong 2022, at ikinasal sa taon ding iyon. – FRJ GMA Integrated News
