Inihayag ni Joyce Ching ang dahilan kung bakit naghiwalay sila noon ni Kristoffer Martin, na co-star niya sa “Reel Love Presents Tween Hearts.”

“Ano ba talaga ang nangyari at naghiwalay kayo ni Kristoffer Martin?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Joyce, na panauhin kasama si Joshua Dionisio, sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

“I guess, immaturity. Kasi, ang bata pa rin po namin. I think, we were too young to be in a relationship,” tugon ni Joyce.

Dagdag niya, “Hindi talaga namin naiintindihan what it means at saan ba talaga papunta ang mga relationships. Kasi, as a love team, siyempre, everyone na naka-surround samin talagang pinu-push kami together.”

Ayon kay Joyce, nagka-developan sila ni Kristoffer dahil sa kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

“Nagka-developan kasi lagi magkasama tapos ‘yung mga eksena namin, sweet-sweet,” saad niya.

Hindi naman umikot sa away-bati ang relasyon nila noon ni Kristoffer.

“Pero, I think, ano lang talaga, immature kami,” sabi ni Joyce.

Kasal na si Joyce kay Kevin Alimon, at may isa nang anak.

Kasal na rin si Kristoffer kay AC Banzon at mayroon din silang isang anak na babae.—FRJ GMA Integrated News