Kilalang magka-loveteam noon sa ilang proyekto, inihayag ni Joshua Dionisio na nagkaroon sila ng samahang tila higit pa sa magkaibigan ni Barbie Forteza, ngunit wala itong label.

“Hindi tumuloy sa totoo ‘yung love team niyo ni Barbie?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Joshua Dionisio, na panauhin kasama si Joyce Ching, sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

“Iyon po, actually, sa lahat ng mga nakakatrabaho ko, lagi po akong natatanong about that. Pero kasi Tito Boy parang ayokong, I don't want to be the one to put a label on it. Pero we were very close talaga during that time,” sabi ni Joshua.

Nilinaw ni Tito Boy kung nangangahulugan ba ito na nagkaroon sila ng “something” ni Barbie.

“Yeah… I don't want to be the one to put specific labels,” sagot ng aktor.

“Pero may I love you?” dugtong na tanong ni Tito Boy.

Si Joshua, tila napaisip muna bago sumagot ng, “hindi.”

“Hindi ko po ma-explain, parang in certain situations. Kasi talagang everyday kami magkasama. Totoo naman po talaga na we're more than… kasi kung si Joyce, she I'd consider as my friend before. Pero si Barbie, more than a friend,” paglalahad ng aktor.

Muling giit na tanong ng King of Talk, “Did you say I love you to each other?”

“Hindi naman,” tugon ni Joshua.

Kasi may mga acquaintances tayo, so I consider them as friends. Pero she's my, parang siguro best friend or something more.”

Ngunit ayon kay Joshua, hindi sila “in touch” sa ngayon ni Barbie.

Pero hindi rin daw niya pinuputol ang ugnayan nila.

“I'd say wala naman po akong bridges na binurn [burn]. Wala naman, kasi kahit lahat noong nakatrabaho ko, I consider them as friends,” dagdag niya.

At nang tanungin kung “naghiwalay” sila nang maayos ni Barbie, “Yeah” ang tugon ni Joshua.

Nagsimula ang tambalang “JoshBie” sa teleseryeng “Stairway To Heaven” noong 2009. Ilan pa sa mga proyektong kanilang pinagsamahan ang “Nita Negrita,” “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” at “Reel Love Presents Tween Hearts.”—FRJ GMA Integrated News