Dahil sa kaniyang angking ganda at pagiging isang atleta, marami ang naghihikayat kay Ashley Ortega na sumabak din sa mga beauty pageant. May plano kaya siyang maging isang beauty queen?

Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong si Ashley ni Tito Boy kung bakit hindi siya sumasali sa mga beauty pageant.

“Ako, Tito Boy, alam mo nape-pressure ako, kasi ang dami talaga nagsabi na bagay daw ako sa beauty queen na ‘yan. I joined before. Nanalo ako ng crown,” tugon ni Ashley.

Sa kabila nito, pakiramdam niyang hindi ito para sa kaniya.

“Pero feeling ko talaga it's not for me, Tito Boy. Because I love being an actress. Acting is my passion. Sa beauty queen naman, thank you. I'm flattered sa mga taong nakakaisip na pasok pala ako maging beauty queen. But I just feel like it's not for me,” sabi niya.

Ayon kay Ashley, prayoridad niya sa kaniyang buhay ngayon ang pagiging isang aktres.

“Kasi sa life ko ngayon, I know my priorities. I know what I want. What I want now [is a career in acting]. As in, ‘yun po talaga. I always say that I really want to be a versatile actress, a respected actress. An icon, actually, when it comes to acting.”

“So, I wanna die as an actress,” sabi pa ni Ashley.

Isa si Ashley sa mga naging contestant sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.” —VBL GMA Integrated News