Sa kaniyang pagbisita sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, tinanong si Janella Salvador kung papaano siya nasangkot sa hiwalayan nina Klea Pineda at ex-girlfriend nito na si Katrice Kierulf, at kung bukas ba siyang makipagrelasyon sa kapuwa babae.
"I guest ‘cause magkatrabaho kami sa 'Open Ending' (movie) kaya nagkaroon ng rumors na ganun. And they brokeup right after the film,” paliwanag ni Janella tungkol sa pagkakasangkot niya sa breakup ng dalawa.
Nagkataon pa umano na nakikita sila ni Klea na lumalabas kahit tapos na ang kanilang pelikula.
Nang tanungin siya ni Tito Boy kung bukas ba siyang makipagrelasyon sa kapuwa babae, sinabi ni Janella na, "I guess the answer would have to stay with me muna."
"But I love who I love," dagdag niya.
Sa ngayon, sinabi ni Janella na masaya ang puso niya sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay.
Sa isang relasyon, stability na umano ang kaniyang hinahanap dahil mayroon na siyang anak na mula sa kaniyang ex-boyfriend na si Markus Paterson.
Nauna nang itinanggi ni Janella na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Klea at Katrice, at sinabi rin ni Klea, na walang kaugnayan si Janella sa nangyari sa relasyon nila ng ex-gf.
Kasama sa "Open Endings" na isang queer film sina Jasmine Curtis-Smith at OPM singer Leanne Mamonong, na entry sa Cinemalaya 2025. –FRJ GMA Integrated News
