Lilipad pa-Europa ang SB19 para magtanghal sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa October 12 para sa "Sama sa Roma" event ngayong taon.

Admission is free para sa unang 1,700 na magpapatala sa event, ayon sa Twitter post ng grupo.

Mahigpit din na paalala ng SB19 sa naturang post na, “No registration, no entry.”

 

 

Una rito, inanunsyo ng grupo na hindi na matutuloy ang kanilang Riyadh leg ng kanilang “Simula at Wakas” tour dahil sa ‘unforeseen circumstances’

“Unforeseen circumstances have led us, together with our partners and producers, to make this difficult decision,” saad ng 1Z Entertainment sa Facebook post.

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin. Ilan sa pinasikat nilang kanta ang "Mapa," "Gento," "Dam," "Dungka" at iba pa. —FRJ GMA Integrated News