Sinagot ni Carla Abellana ang ilang usap-usapan online noong mga nakaraang araw na malapit na umano siyang ikasal ulit.
“Kung totoo man po o ‘yun o hindi, of course that's part of my private life, I would like to keep it private. I invoke my right to self-incrimination. So I refuse to say yes, I refuse to say no,” sagot ni Carla sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Kung dati, ayaw na umano ni Carla na ikasal, pero tila nabago na ang kaniyang pananaw.
“That's coming from a person who's very wounded and broken. Of course I'm a different person today than I was before or yesterday,” anang Kapuso actress.
Matatandaang naging mahirap at matagal para kay Carla ang healing process mula sa heartbreak.
Patuloy siyang nakikipag-date at kung may kailangan man siyang i-reveal, siya ang magbubunyag nito sa tamang panahon.
“Ayoko na po ng showbiz. Kung feel ko pong exclusive, exclusive po. Pero ‘pag hindi po, gusto kong mag-enjoy, okay lang, depende kung sino pong ka-jive ko. Basta maayos na tao, wala pong tinatago,” sabi niya.
Ikinasal si Carla sa kaniyang ex-husband na si Tom Rodriguez noong October 2021. Nauwi sa divorce ang kanilang kasal noong June 2022. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
