Labis ang kasiyahan ni Rochelle Pangilinan makaraang manalo bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya 2025.

Kabilang si Rochelle sa pelikulang “Child No. 82” ng ipinalabas sa Philippine Independent Film Festival.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rochelle ang larawan niya habang hawak ang trophy, at may mensaheng, “Still feels surreal… hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari talaga ‘to.”

“Sobrang laki ng puso ko ngayon,” patuloy niya. “I poured my soul into this role, and to be recognized in this way… parang panaginip.”

Pinasalamatan ni Rochelle ang kaniyang fans sa suporta, at may special shoutout sa kaniyang asawa na si Arthur Solinap, at anak na si Shiloh.

“This isn’t just my win. It’s ours,” patuloy niya.

“Today, I can finally say it with all my heart — I AM AN ACTRESS!,” sabi pa ni Rochelle.

Taong 2024, umani ng paghanga ang pagganap ni Rochelle bilang Amalia Dimalanta-Torres (Tiya Amalia) sa Kapuso historical drama na “Pulang Araw.”

Mula sa pagiging miyembro ng SexBomb Girls, tumawid sa acting si Rochelle at iba pang miyembro ng grupo sa afternoon soap na "Daisy Siete."— mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News