Magkakaroon ng kanilang unang apo sina Manny at Jinkee Pacquiao.
Sa Instagram, nag-post si Jinkee ng lumang larawan habang hawak niya si Jimuel na baby pa lang noon.
May kasama itong mensahe para kay Jimuel na magiging ama na rin.
“The day I became your mother, my world changed instantly. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed,” saad ni Jinkee sa mensahe na naka-tag si Jimuel.
“Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko,” dagdag niya.
Inihayag din ni Jinkee ang pananabik na makita na ang paparating na apo sa susunod na buwan.
“Grabe, kapaspas gyud sa panahon sunod bulan naa na koy apo (Grabe, sobrang bilis ng panahon, next month magkaka apo na ako). So grateful to God. He is indeed good all the time!,” saad niya.
Nitong nakaraang Hulyo, nagbahagi si Jinkee ng ilang larawan ng kanilang salu-salo kasama ang rumored girlfriend ni Jimuel sa Los Angeles, California.
Si Jimuel ang panganay sa limang anak nina Manny at Jinkee, kasama sina Michael, Princess, Queenie, at Israel.— Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News
