Binabalik-balikan ang isang Vietnamese restaurant sa Malate, Maynila dahil sa sikat nitong “Pho” na may mainit na sabaw, malambot na noodles, malinamnam na karne at maraming gulay. Ang negosyo, kumikita na ng six digits kada buwan.

Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, itinampok ang restaurant na “Pho Mahal” na pagmamay-ari ng Vietnamese na si Sophia “Ngo Thao.”

“Pho is not only the dish but it's also something we present for our country. Kasi when we mention about Vietnam, of course, the first dish they ever met is always that Pho,” sabi niya.

“Why Vietnamese? It’s more on healthy and also tasty at the same time. So that is really a great opportunity to open a Vietnamese business here,” dagdag pa ni Sophia.

Kaya ang restaurant nina Sophia blockbuster na 11 a.m. pa lang. Karamihan sa kanilang mga customer ay mga estudyante.

“This area, I am most familiar with. Then also I understand the target market here. Kasi most of students here are same school with me or also around here at the branch. They really opt for a healthy food,” sabi ni Sophia.

Sikreto ng masarap nilang Pho ang sabaw at broth na pinapakuluan ng 8 hanggang 10 oras. Kapag nakuha na ang tamang timpla ng sabaw, ready na ang Pho.

May dalawang klase ng Pho noodle soups ang restaurant ni Sophia: Ang Pho Bo o Beef Pho, ang Pho Ga o Chicken Pho. Sinasamahan pa ito ng veggie side dish kaya healthy pa.

Ayon kay Sophia, kinukuha niya dito lamang sa Pilipinas ang mga gulay at karne. Pero ang seasoning, dry ingredients, noodles, at iba pang sangkap, inaangkat pa niya sa Vietnam.

Hindi lang ‘yan, eksperto rin sa Vietnamese cuisine ang kanilang tagaluto kaya mas authentic ang kanilang Pho recipe.

Ang pag-aaral talaga ng kolehiyo ang ipinunta ni Sophia sa Pilipinas bago pa man nabaling ang kanilang atensyon ng kaibigang Vietname din na magnegosyo.

“Kasi at that time, my parents really want to push me in English environment. This is near our country, easy back and forth,” sabi niya.

Nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo nang maisipan niya at ng kaniyang kaibigan na mag-umpisa ng negosyo sa puhunan na P10,000.

“Maraming challenges, kasi at that time we were young. Both students, then also with limited capital. Not really deep experience. Set up everything from very, very scratch. Is maraming, maraming challenges,” sabi niya.

Sa kanilang pagiging pursigido, tunay na pinag-aralan ni Sophia kung paano patatakbuhin ang kanilang negosyo.

“I work for a start-up company, which pushed me to do everything from hiring, training, sales, managers, all the things. I have some experience. Also at the same time, I'm studying in hospitality industry. I really learned by doing something,” sabi niya.

Kalaunan, nag-viral sa social media ang kanilang authentic Vietnamese food.

Bukod sa kanilang Pho, must try din ang kanilang Bún bò Hu?, na isang ding klase ng Vietnamese noodle soup, fresh at fried spring rolls, Vietnamese chicken rice at Banh Mi.

Hindi rin mawawala ang Vietnamese coffee.

Mahigit sa 400 mangkok ng Pho ang naibebenta nila kada araw at madalas ring ma-sold out.

Sa presyong P229 to P279, maaari nang matikman ang kanilang Pho noodle soup.

Magtatatlong taon na ang negosyo nila Sophia, na kumikita na ng 6 digits kada buwan. Nakapagpatayo na rin sa Sophia ng sariling niyang Vietnamese cafe.

“There is a quote I always remind myself everyday, which is, ‘Không có gì là không th?, which means translated into English is, ‘Nothing is impossible.’ I just keep showing up and then keep believing that there is always a way to make it work,” sabi niya. – FRJ GMA Integrated News