Maagang ipinadama ng “Songbird Supreme” na si Mariah Carey ang diwa ng Pasko sa kaniyang “Filipino Lambs” sa pag-awit niya ng kaniyang Christmas hit na “All I Want for Christmas is You,” sa kaniyang concert sa Pasay nitong Martes ng gabi.

Sa video ni Pauline Ordenes, na iniulat din sa State of the Nation, ikinuwento ng mga nanood na nagulat sila at hindi inasahan na kakantahin ng American diva ang kaniyang pamosong Christmas song.



Sa ulat naman ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing “star of the night” si Mariah sa kaniyang "The Celebration of Mimi" concert sa Pasay.

Sinulit ng Pinoy Lambs na maki-jam at makibirit kay Mariah, gaya ng nakunan ni You Scooper Chad Domingo.

Nagningning si Mariah sa kaniyang dress na gawa ni Michael Cinco.-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News