Hindi naitago ni Marian Rivera ang kaniyang kilig sa mainit na pagtanggap at pagiging sweet ng kaniyang fans sa Vietnam.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing matatandaang ipinalabas sa bansa ang mga pinagbidahang Kapuso serye ni Marian.

Kaya mula airport hanggang sa mismong event, mainit ang pagtanggap ng Vietnamese fans kay Marian.

Sumabak si Marian kamakailan sa “Luna Fracture” runway ng Vietnamese luxury label na Hacchic Couture, suot ang isang bridal-inspired couture gown. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News