Sinabi ni Ruru Madrid na nagulat siya nang malaman niyang magkarelasyon na ang kapatid niyang si Rere at basketball star na si Kai Sotto.
Sa guesting ng magkapatid sa "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Lunes, sinabi ni Rere na hindi naman niya plano na ilihim kay Ruru ang panliligaw ni Kai sa kaniya.
"Pero 'yung time kasi na naging kami ni Kai, sobrang busy ni Kuya. Actually noong nandito si Kai parang twice lang yata sila nagkita," paliwanag ni Rere.
Aminado si Ruru na hinahangaan niya si Kai sa basketball pero hindi niya naiwasan na magulat at ma-“wierduhan” sa pangyayari.
"So noong nalaman ko na girlfriend niya 'yung utol ko parang medyo na-weirduhan ako pero at least 'di ba makikita ko siya sa personal. In fairness, mabuting tao si Kai," sabi ni Ruru.
Aminado rin si Ruru na bilang kuya, mahigpit umano siya noon pagdating sa mga nanliligaw sa kaniyang mga kapatid.
"Before kasi naging sobrang higpit ako kay Rere and actually kay Rara din. Sobrang mahigpit akong Kuya pagdating sa mga nanliligaw sa [kanila]," ani Ruru.
"Pero noong naging kami ni Bianca (Umali), pina-realize niya sa akin na dapat hindi ka maging mahigpit sa mga kapatid mo," dagdag niya.
Naging publiko ang relasyon nina Kai at Rere nang dumalo ang dalawa sa GMA Gala noong 2024.
Nitong nakaraang Mayo, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang
first anniversary bilang magkasintahan.
Maglalaro ngayon si Kai para sa Koshigaya Alpha sa Japan B-League. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News
