Official housemates na din sina Princess Aliyah at Miguel Vergara sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'
Dalawang Kabataang Pinoy ulit ang ipinakilala na magiging bagong housemates ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Ini-reveal ang panibagong sorpresa sa GMA news program na 24 Oras na ipinalabas nitong Miyerkules ng gabi, October 22.

Dito ay ini-report na isa sa mga papasok sa iconic house ay ang Sparkle star na si Princess Aliyah.

Si Princess ay napanood na sa ilang GMA shows gaya ng My Special Tatay, Magpakailanman, Onanay, Daig Kayo ng Lola Ko, at marami pang iba.

Kasabay namang ipinakilala bilang isa ring housemate ang Star Magic artist na si Miguel Vergara.

Makakasama nila ang mga nauna nang ipinakilala na housemates na sina Kapuso star Sofia Pablo at Kapamilya star na si Joaquin Arce.

Sino-sino pa kaya ang mga susunod magiging bagong miyembro ng pamilya ni Big Brother?

Abangan 'yan sa susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Huwag palampasin ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, sa darating na October 25 na.-- EJ Chua/GMA Network.com