Ibinahagi ni Kuya Kim Atienza nitong Biyernes ng hapon ang isang maikli ngunit makahulugang mensahe ilang sandali matapos niyang ipaalam sa publiko ang pagpanaw ng kaniyang anak na si Emman Atienza.

"Compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life," saad ni Kuya Kim sa kaniyang post sa Facebook.

Mayroon na itong libu-libong comments, shares, at reactions.

Sa isang pahayag ng pamilya Atienza, kasama ang kaniyang asawang si Felicia at mga anak na sina Jose at Eliana, inanunsiyo nila ang biglaang pagpanaw ni Emman, na tinawag nilang “unexpected passing.”

Inilarawan nila si Emman, 19-anyos na content creator, bilang isang tao na hindi natakot ibahagi ang kaniyang karanasan sa mental health.

"Her authenticity helped so many feel less alone," saad ng pamilya at hiniling sa kanilang followers na "to carry forward the qualities she lived by: compassion, courage and a little extra kindness in your everyday life."

Sa huling mensahe ni Emman sa kaniyang Instagram broadcast channel noong Setyembre 1, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaraanang pressure dahil sa social media.

Ayon kay Emman, pansamantala niyang dine-activate ang kaniyang TikTok account matapos maramdaman ang hirap ng pagpapanatili na magiging totoo online.

“I feel like the hate has piled up in my head subconsciously. every time i post, i feel excited but also anxious and dreadful knowing there's going to be some hate i'll have to force myself to ignore. i catch myself checking my notifications every few minutes, hyper aware of every little thing about me," saad niya.

“So today i finally decided to deactivate my account :) i'm not sure when ill come back. maybe in a few days, maybe a few months. just until i can recollect my thoughts, reset my values, & clear my head of the dread. just need to breath a bit & take a break," sabi pa ni Emman.

Si Emman ang bunsong anak nina Kuya Kim at Felicia Atienza. Ang pahayag ng kanilang pamilya tungkol sa pagpanaw ng dalaga ay nilagdaan ng lahat ng miyembro — sina Jose at Eliana, kasama ang kanilang mga magulang.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya Atienza.

— FRJ GMA Integrated News