Nasawi ang isang 20-anyos na binata matapos na mabangga ng kotse ang minamaneho niyang motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan. Ang suspek na 22-anyos, nag-overtake umano kaya nakasalubong at nabangga ang biktima.
Sa ulat ni Jasmine Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Anolid, habang patungo ang biktima sa bahay ng kaniyang kasintahan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng awtoridad na nag-overtake ang kotse sa sinusundang jeepney kaya niya nakasalpukan ang biktima.
Nagtamo ng matinding pinsala ang motorsiklo, at nabasag din ang windshield ng kotse sa lakas ng banggaan.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima.
Dedido ang pamilya ng biktima na kasuhan ang driver, na inihahanda ng pulisya ang reklamong isasampa laban sa kaniya—FRJ GMA Integrated News
